Yes!! finally graduation time. I'm sure marami na namang proud parents, ang sarap ng feelings kapag naka graduate ka na diba. After years of struggling sa mga lessons, terror na mga professors and teachers. :) nagbunga din ang lahat ng pag titiis, pag hihirap mo, pag susunog ng kilay, at pangongopya sa katabi mo sa upuan tuwing may exams. :))
so whats next? high school? College? University? Sabi nila at sabi ko din, high school life ang pinaka masarap. Kakaiba, un yung tipong tapos ka na sa pag dadala ng baong tinapay at juice during elementary days. You will meet new friends, marami kang matutunan mula sa kanila isama mo na ung pag ccutting classes kase showing ung movie ng favorite actor/actress mo o kaya mag kakayayaang mag swimming sa malapit na resort, at marami pang ibang dahilan para ka mgcutting class. Nauso din ung slambook nung high school days ko. May mga fund raising parties na rin ang school. May Junior and Seniors Prom. At ung possibility na makilala mo ang first crush mo. haiist nakaka kilig :) at pag dumating na ang graduation parang ayaw mo pang matapos ang high school.
When I enrolled in college, sabi ko, this is it, kailangan ko ng maging seryoso sa pag aaral. I took a course na hindi ko naman talaga gusto, kasi hindi pa rin ako maka pag decide kung ano ba talagang course ang ittake ko. Nakining lang ako sa payo ng auntie ko na tumatayong guardian namin that time. To make the story short, hindi ko tinapos yung course na un at ako ngayon ay isang Caregiver hehehe.
Siguro ang moral lesson "Wag kang makikinig sa sabi sabi" :). Ang the best siguro ay kung ano ba ang talagang gusto mong kurso. Pero pano kung can't afford ang parents sa mahal ng tuition fee ng course na napili mo?
Hmmm, try mo kayang kumuha ng scholarship, o kaya naman mag working student ka. Sabi nga, pag gusto mo, may paraan. Well, Good luck na lang sa mga bago nating graduates, sa high school man o college. New opportunities will come your way and dont think na, kapag naka graduate ka na, tapos ka na sa pag aaral, life is a continous learning process.
No comments:
Post a Comment