SEMANA SANTA
Kuwaresma, Semana Santa, Mahal na Araw mga salitang hindi mo maintindihan nung bata ka pa.
Ang lalim, diba?
Isipin mo ba namang sa edad mong lima o anim na taon, eh maiintindihan mo kaya ang ibig sabihin ng Semana Santa at Kuwaresma?
Ang naririnig ko lang na sinasabi sa amin nung mga bata pa kami kapag sumasapit ang panahon ng Kuwaresma ay pinapahirapan si Jesus, pinapalo at pinagbubuhat ng krus at ang pagpako sa kanya dito pag dating ng araw ng Biyernes Santo.
Kasabay nuon ay, bawal kaming kumain ng karne,
Iwasan daw namin ang magkasugat dahil matagal daw gumaling.
Bawal kaming mglaro o magsaya lalo na pag sumapit na ang alas tres ng hapon sa araw ng Biyernes Santo hanggang Sabado (dahil ito ang pinapaniwalaang araw na patay si Hesus)
Bawal na rin tumawa dahil patay na daw ang Diyos. (na naman? patay na naman ang Diyos)
Dumating din ba sa puntong gustong gustong mong itanong sa mga nakakatanda sayo kung baket namamatay ang Diyos o si Jesus taon taon sa buwan ng kuwaresma (month of March or April).
Eh dibat kapapanganak lang nya nung December 25?
Diba dapat baby pa lang sya?
Baket ang laki laki na nya dun s imahen nyang nakapako sa krus sa may simbahan?
Nalilito ako nuon at nung panahon namin, parang bawal kuwestiyunin ang mga bagay bagay na may kinalaman sa Diyos, parang masama ang dating mo kapag nagkwekwestyon ka.
At siguro sa taon taon na pag gunita ng Mahal na Araw, naintindihan ko na din sa wakas :) Hindi naman pala taon taon pinapako at namamatay sa krus si Hesus, isang beses lang pala.
Siguro dapat nating ipaliwanag sa mga bata ang ibig sabihin ng Mahal na Araw, Kuwaresma o ang tinatawag din na Semana Santa.
Ito ay ang pag gunita sa panahon ng pag aalay ng Diyos ng kanyang bugtong na anak, para tayo ay tubusin sa ating mga kasalanan. Iniaalay ni Hesukristo ang kanyang buhay para sa atin, para sa kapatawarang walang hanggan. At sa aking palagay hindi naman nating kailangang mag sakripisyo o mag mapapako sa krus katulad ng mga ibang nagpepenitensya. Hindi naman ito nasusulat
sa Bibliya. Sapat na ang ginawa ni Hesus na paghihirap para sa atin. Hindi na natin kailangang pahirapan pa ang ating sarili.
Siguro mas mabuting ihingi natin ng kapatawaran ang mga kasalanan nating nagawa kasabay ng pag hahangad na makaiwas sa masasamang gawain.
Manalangin at magnilay nilay. At magalak dahil sa sobra sobrang pagmamahal sa ating ng Diyos.
No comments:
Post a Comment