Translate

Monday, April 8, 2013

HOLOCAUST

                                        

                                        HOLOCAUST



Tuwing sasapit ang ika 08 ng abril, ipinagdiriwang ang pag gunita sa kamatayan ng halos 6 millions jews.. Sila ang mga holocaust victim.. 




Ayon sa mga nagkukwento, eto ang halos 5 taon na malagim na panggugulo ng mga Germans sa pamumuno ni Hitler..Ilang mga bansa din ang kanilang sinakop upang hagilapin ang may mga dugong hudyo..





Bakit nga ba galit si Hitler sa mga hudyo? Ayon sa aking source , si Hitler daw ay nagtrabaho sa isang hudyo para magpintura.. Pero dinaya daw sya ng hudyo at di binayaran ng sapat ayon sa kanyang paggawa..Kaya iyon daw ang paghihiganti ni Hitler.. Siguro naman di un ang tunay na dahilan para ipapatay ang mga jews..Hindi ko lubos maisip na sa loob ng 5 taon na un, may mga nakasurvive pa rin..Sa kabila ng gutom, at kung ano ano pang pahirap ng mga german..



Di umano ang mga sanggol at bata ay inilalagay sa isang plastic at itinatapon sa bintana at ang dugo ng mga un ay tinatapak tapakan ng mga kawal ni Hitler.. Ayaw nilang dumami pa ang mga lahi ng mga hudyo.. Mga walang puso..

Hindi pa sila nasiyahan dun..Ipinatupad pa rin ang maramihang pagpatay sa pamamagitan ng oven..Maraming pamilya ang binawian ng buhay..May mga ilang natira at patuloy pa ring namumuhay ngaun..At sa paglipas ng halos 60 taon, hindi pa din nawawala sa kanilang alaala ang sakit na dinulot ng HOLOCAUST...

DESTINY

                               
                                                     D - E - S - T - I - N - Y


Ano nga ba at paano nga ba ito? Ito na ba ung love at first sight?  Ung chuba tsutsu? O ung walking in the aisle na? Pero pano kung my somewhere down the road pa pla? Hay kaloka......
Parang Ironic yata ang destiny... Sabi nga nila  lahat daw ng indibidwal ay my nakatalaga sa bawat isa..
Pero bakit my tumatandang binata at dalaga? Nasaan ang ka destiny nila? Naku... wag nmn sanang di pinapanganak pa, kundi..nganga..





Samut sari talaga ang nangyayari sa buhay pag ibig ng bawat isa..Andyan ung tinatawag na childhood sweetheart, bata pa lang sila pinana na ni kupido ang mga puso nila.. Ang lalim yata ng tarak o di na naalis ang pana kaya sa hinaba haba daw ng prusisyon sa simbahan pa rin ang tuloy..and may live happily ever after pang ending..parang fairy tale..Destiny? pwede.....






And what if.... let say, sila na nga nagkatuluyan.. Nagsumpaan sa mata ng Diyos at sa mata ng tao, pero tsaka din nila narealize na they are not really meant for each other pala....May iba pang nakatalaga sa kanila.. Destiny pa rin kaya un? Siguro nga.....destiny nila un pero di pa sila ang itinalaga para sa isat isa..Hinahanap pa rin nila ung nakaukit at sinisigaw ng puso nila...Anu man ang situation,  maging tamang pag ibig man sa  maling pagkakataon.. handang tanggapin at hintayin dahil tunay na my realidad ang DESTINY....




















Tuesday, March 26, 2013

HOLY WEEK

SEMANA SANTA

Kuwaresma, Semana Santa, Mahal na Araw mga salitang hindi mo maintindihan nung bata ka pa.
Ang lalim, diba?  
Isipin mo ba namang sa edad mong lima o anim na taon, eh maiintindihan mo kaya ang  ibig sabihin ng Semana Santa at Kuwaresma? 

Ang naririnig ko lang na sinasabi sa amin nung mga bata pa kami kapag sumasapit ang panahon ng Kuwaresma ay pinapahirapan si Jesus, pinapalo at pinagbubuhat ng krus at ang pagpako sa kanya dito pag dating ng araw ng Biyernes Santo.


 Kasabay nuon ay, bawal kaming kumain ng karne,
Iwasan daw namin ang magkasugat dahil matagal daw gumaling. 

 Bawal kaming mglaro o magsaya lalo na pag sumapit na ang alas tres ng hapon sa araw ng Biyernes Santo hanggang Sabado (dahil ito ang pinapaniwalaang araw na patay si Hesus)

Bawal na rin tumawa dahil patay na daw ang Diyos. (na naman? patay na naman ang Diyos)

Dumating din ba sa puntong gustong gustong mong itanong sa mga nakakatanda sayo kung baket namamatay ang Diyos o si Jesus taon taon sa buwan ng kuwaresma  (month of March or April).

 Eh dibat kapapanganak lang nya nung December 25?
Diba dapat baby pa lang sya?
Baket ang laki laki na nya dun s imahen nyang nakapako sa krus sa may simbahan?



Nalilito ako nuon at nung panahon namin, parang bawal kuwestiyunin ang mga bagay bagay na may kinalaman sa Diyos, parang masama ang dating mo kapag nagkwekwestyon ka. 

At siguro sa taon taon na pag gunita ng Mahal na Araw, naintindihan ko na din sa wakas :) Hindi naman pala  taon taon pinapako at namamatay sa krus si Hesus, isang beses lang pala.

Siguro dapat nating ipaliwanag sa mga bata ang ibig sabihin ng Mahal na Araw, Kuwaresma o ang tinatawag din na Semana Santa.

Ito ay ang pag gunita sa panahon ng pag aalay ng Diyos ng kanyang bugtong na anak, para tayo ay tubusin sa ating mga kasalanan.  Iniaalay ni Hesukristo ang kanyang buhay para sa atin, para sa kapatawarang walang hanggan. At sa aking palagay hindi naman nating kailangang mag sakripisyo o mag mapapako sa krus katulad ng mga ibang nagpepenitensya. Hindi naman ito nasusulat
 sa Bibliya. Sapat na ang ginawa ni Hesus na paghihirap para sa atin. Hindi na natin kailangang pahirapan pa ang ating sarili. 

Siguro mas mabuting ihingi natin ng kapatawaran ang mga kasalanan nating nagawa kasabay ng pag hahangad na makaiwas sa masasamang gawain.
 Manalangin at magnilay nilay. At magalak dahil sa sobra sobrang pagmamahal sa ating ng Diyos.


Saturday, March 23, 2013

PALASPAS


Linggo ng Palaspas

Palm Sunday na ulet, o tinatawag din itong Domingo de Ramos.  Marami na namang maglalabasang makukulay at ibat-ibang style ng Palaspas 

 Baket nga ba tayong mga Katoliko ay merong Linggo ng Palaspas? 

 Bakit ang ibang relihiyon ay wala?



 Hmmm.. sa pag kakaalam ko lang kaya tayo merong ganitong selebrasyon ay bilang pag alala  sa matagumpay na pag pasok ni Jesus sa Jerusalem. 
 Siya ay sinalubong at pinuri  ng mga tao habang winawagayway nila ang  dahon ng Palm.

Dadalhin natin ang ating Palaspas sa simbahan kasabay ng pag attend ng mass, tas pagkatapos ng misa, bibendisyunan ng pari ang mga palaspas. Iuuwi natin sa ating bahay. 

Ang iba idinidikit sa pintuan o sa mga bintana. 

Eh baket kailangang isabit sa pintuan o bintana? 

Ang iba naniniwalang ito ay panlaban sa mga masamang ispiritu, siguro napanuod nila ung movie na Shake Ratte and Roll 1, ginamit ni Herbert Bautista ung palaspas pamalo sa manananggal. :)

Sa bahay namin, inilalagay namin ang dahon ng palapas sa altar.  Pag natuyo na ito, puede nyo itong dalhin sa simbahan, susunugin nila at ang abo nito o ung ash, ang ginagamit naman pampahid sa noo tuwing darating ang tinatawag na Ash Wednesday. 

Isang makabuluhang Holy Week sa ating lahat.


Wednesday, March 20, 2013

GOOD MORNING!



It's another brand new day!  As ussual kailangan na namang bumangon, at harapin na naman ang mga panibagong challenges sa iyong buhay.  Kahit ang sarap sarap pang matulog tapos na ka kulambo ka pa, para kang nasa Pinas, Yes! you heard it right, kahit nandito ako sa ibang bansa nag tratrabaho, nag dala ako ng kulambo.  Nasanay na kasi akong matulog na nasa loob ng net :) kahit during summer.  Sukdulan mang magka putok ako sa sobrang init, basta ako ay matutulog sa loob ng kulambo.

Eh, paano mo nga ba sisimulan ang umaga?  Well, start your day with a BIG SMILE :)) samahan mo na rin ng morning prayer para sa guidance for the whole day. Nabasa ko sa isang article about STRESS na ang pag yoyoga daw ay nakakatulong din makabawas ng stress, kaya eto, nag yoyoga na rin ako ngayon, " wake up yoga in bed ", nakita ko lang yan sa You tube.  Feeling ko kasi naiistress na ako pag kagising ko pa lang sa umaga :).  Maisip ko lang yung mga sunod sunod kong gagawin napapagod na ako.

 Hey Buhey..., ganun talaga, kailangang mong kumayod, at makaipon para makauwi na sa bayang sinilangan.   Bukang bibig na namin ang  "May awa ang Dios at makakaraos din tayo".  Kaya laging may BAGONG UMAGA, ibig sabihin may BAGONG PAG ASA. Have a blessed day ahead.

Tuesday, March 19, 2013

AT LAST!


Yes!! finally graduation time. I'm sure marami na namang proud parents, ang sarap ng feelings kapag naka graduate ka na diba. After years of struggling sa mga lessons, terror na mga professors and teachers. :) nagbunga din ang lahat ng pag titiis, pag hihirap mo, pag susunog ng kilay, at pangongopya sa katabi mo sa upuan tuwing may exams. :))

so whats next? high school? College? University?  Sabi nila at sabi ko din, high school life ang pinaka masarap. Kakaiba, un yung tipong tapos ka na sa pag dadala ng baong tinapay at juice during elementary days.  You will meet new friends, marami kang matutunan mula sa kanila isama mo na ung pag ccutting classes kase showing ung movie ng favorite actor/actress mo o kaya mag kakayayaang mag swimming sa malapit na resort, at marami pang ibang dahilan para ka mgcutting class. Nauso din ung slambook nung high school days ko. May mga fund raising parties na rin ang school. May Junior and Seniors Prom. At ung possibility na makilala mo ang first crush mo. haiist nakaka kilig :) at pag dumating na ang graduation parang ayaw mo pang matapos ang high school.

When I enrolled in college, sabi ko, this is it, kailangan ko ng maging seryoso sa pag aaral. I took a course na hindi ko naman talaga gusto, kasi hindi pa rin ako maka pag decide kung ano ba talagang course ang ittake ko. Nakining lang ako sa payo ng auntie ko na tumatayong guardian namin that time. To make the story short, hindi ko tinapos yung course na un at ako ngayon ay isang Caregiver hehehe.

Siguro ang moral lesson "Wag kang makikinig sa sabi sabi" :). Ang the best siguro ay kung ano ba ang talagang gusto mong kurso. Pero pano kung can't afford ang parents sa mahal ng tuition fee ng course na napili mo?
Hmmm, try mo kayang kumuha ng scholarship, o kaya naman mag working student ka. Sabi nga, pag gusto mo, may paraan. Well, Good luck na lang sa mga bago nating graduates, sa high school man o college. New opportunities will come your way and dont think na, kapag naka graduate ka na, tapos ka na sa pag aaral, life is a continous learning process.

Monday, March 18, 2013

"SIMPLENG BUHAY AY KAY GANDA MAYROONG NGITI, MAYROONG SAYA"


Isa lang yan sa mga linya ng isa sa mga paborito kong OPM songs.  Minsan naiisip ko mas maganda ang buhay dati, simple lang.  Papasok si tatay sa trabaho, isasabay sa pag alis ang mga anak na papasok sa eskwelahan, at maiiwan si nanay  para mag ayos ng bahay at magluluto ng masarap na ulam para sa kanyang pamilya.  Meron pa kayang ganito sa panahon ngayon? Siguro meron pa din. Pero mas marami na ang mga ina na nag hahanap buhay na din, kundi man napasok sa isang kumpanya, O kaya naman ay nagpapahulog ng mga kung anu anong produkto mula sa mga gamit pang paganda hanggang sa mga tocino, longgonisa at kung anu ano pa, mayroon din na nangingibang bansa  para makatulong  sa pinansyal na pangangailangan ng pamilya. Bakit nga ba nag kaganon?  Siguro dahil na din sa walang humpay na pag taas ng bilihin, isama mo na ang kakulangan ng trabaho at mababang suweldo. Irewind kaya natin, baka mayroon tayong dapat baguhin sa ating buhay, o sa ating pamumuhay.

Isa na siguro ang dapat nating isipin ay ang tamang pag plaplano ng pamilya. Masarap ang malaking pamilya, masaya, sabi nga ni lola ang mga anak daw ay biyaya galing sa Diyos. Ok lang, kung kaya natin ibigay ang pangangailangan ng bawat isa, mula sa pinansyal, pag mamahal at pag aaruga.