D - E - S - T - I - N - Y
Ano nga ba at paano nga ba ito? Ito na ba ung love at first sight? Ung chuba tsutsu? O ung walking in the aisle na? Pero pano kung my somewhere down the road pa pla? Hay kaloka......
Parang Ironic yata ang destiny... Sabi nga nila lahat daw ng indibidwal ay my nakatalaga sa bawat isa..
Pero bakit my tumatandang binata at dalaga? Nasaan ang ka destiny nila? Naku... wag nmn sanang di pinapanganak pa, kundi..nganga..
Samut sari talaga ang nangyayari sa buhay pag ibig ng bawat isa..Andyan ung tinatawag na childhood sweetheart, bata pa lang sila pinana na ni kupido ang mga puso nila.. Ang lalim yata ng tarak o di na naalis ang pana kaya sa hinaba haba daw ng prusisyon sa simbahan pa rin ang tuloy..and may live happily ever after pang ending..parang fairy tale..Destiny? pwede.....
And what if.... let say, sila na nga nagkatuluyan.. Nagsumpaan sa mata ng Diyos at sa mata ng tao, pero tsaka din nila narealize na they are not really meant for each other pala....May iba pang nakatalaga sa kanila.. Destiny pa rin kaya un? Siguro nga.....destiny nila un pero di pa sila ang itinalaga para sa isat isa..Hinahanap pa rin nila ung nakaukit at sinisigaw ng puso nila...Anu man ang situation, maging tamang pag ibig man sa maling pagkakataon.. handang tanggapin at hintayin dahil tunay na my realidad ang DESTINY....